Sayawan at puksaan agad sa pa-Back2School ng mga nakarets! 🤩💃🕺 Tapos na ang bakasyon, panahon na ulit ng 5-6-7-8, jumping jacks, at jogging pants tuwing may physical fitness test! Ready na ba kayo mga naka? Lezzgowww! 😂 #serjustinetv
𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐤𝐚 𝐧𝐠𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐫? 𝐄𝐡 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐲𝐮𝐦𝐚𝐲𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐝𝐲𝐚𝐧. 🥹 Tama ka. Hindi ako yumaman sa pagiging guro. Pero sa bawat batang natutong mangarap, sa bawat "Thank you Ser," sa bawat buhay na nabago dahil sa kaunting kaalaman doon ako naging mayaman. 🤗🫂 Hindi ito trabaho lang. Isa itong misyon. At dito, puso ang puhunan. Panalo pa rin ako. ✨🌻 #serjustinetv
Omg thank you sa lahat ng bumati mga nakarets at mga mam/ser! 🥹🎂 Hindi ko na kayo iisa-isahin (baka magka-credits pa parang movie 😅), pero promise, nabasa ko lahat ng greetings niyo and sobra akong na-touch! 💖 Kahit simpleng “HBD” lang, kinilig pa rin ako mga Mam/Ser, ganown! Another year older na naman ako… pero sige lang, age is just a number… 😜 Salamat sa lahat ng nagparamdam, sa mga nakaalala kahit sobrang busy. I feel so grateful, loved, and ready to face the next chapter ng life with matching kapit at dasal, syempre. 🙏✨ To more years of good vibes, kulitan, and konting adulting. KONTI lang ha. Love you all! 💕 #serjustinetv
Alam niyo ba, na ang salitang “bebot” ay pinaikling anyo ng “baby” o “baby doll”, na naging isang kolokyal na termino sa Filipino para tukuyin ang isang babae na kadalasang kaakit-akit. Mas sumikat ito sa pop culture nang ilabas ng Black Eyed Peas ang kantang “Bebot” noong 2006. Sa kantang ito, ginamit ang salitang “bebot” bilang paggalang sa kulturang Pinoy at bilang pagbibida sa ganda at karisma ng mga Pilipina. 🇵🇭 #serjustinetv #bebotdancechallenge